jobit


Ba’t Ganun???!!!
January 24, 2009, 1:42 pm
Filed under: self-talk | Tags: , ,

Matagal ko ng di nasisilip ang blog ko. Nakakaawa na nga sya eh. Kasi di ko na sya napapansin at napagtutuunan ng A-10-syun. Hayyysss!!!

Kasi naman,, nawiwili na lang ako sa pagbabasa ng blog ng iba. Pero ang totoo nyan,, gusto ko na ngang i-close tong blog ko. Wala na kasi akong maisip na i-post na bagong entry. Nakakainis naman.

Pero kagabi ng dinalaw ko ang blog ko,, abah!!,, nagulat ako sa status ko,, hang taas nya ah,, parang Mt. Apo,, with matching tusok tusok pa na parang durian na galing Davao. Sayang at hindi ko mai-post dito yung hitsura ng status ko.

Hmmmm… I like what I  saw talaga.

Ibig sabihin lang nun,, ang dami pa ring di nakakalimut sa blog ko. Sa mga reader ng humble blog ko,, tsalamat po. Nakakataba kayo ng bilbil puso.

Howel,, nainspire na naman ako na mag post ng magpost ng mga bagong entry. Kahit na walang pakinabang sa ating lahat. Hehehehe!!

Sa mga may blog na makakabasa nito,, please naman,, nagmamakaawa ako,, with matching pagluhod pa sa munggo na may bubug,, isa lang ang favor ko sa inyo,, link nyo naman ako sa mga astig na blogs ninyo. Wag lang english ha,, kasi alam nyo naman na isa akong Pinoy na marunong mag mahal sa sariling wika,, (ang totoo nyan,, mahina ako sa Inglisan,, nagkaka-allergy ako pag nakakarinig ako ng Engrish). Wahahaha!!!

Salamat po talaga sa mga nagbabasa ng blog ko.

Hanggang dito na lang muna, magsusulat pa sana ako,, kaya lang naubusan na ng tinta yung ball-ballpen ko eh.



law-law
October 16, 2008, 8:05 am
Filed under: funny issue, scandalous | Tags:

Rendition ni Bayani Agbayani ng Tagalog version ng Low. Natatawa ako pag naririnig ko ang mga corny na mga version tulad ng mga to. At kapag sinuwerte pa eh,, nakakasungkit pa ng Platinum Award,, nakow,, Pinoy nga naman oh.

Ito naman ang rendition ko ng lawlaw,, hay,, ewan ko din kung walang matawa dito.

Ten Years Of Progression

Ten Years Of Progression

Oh,, di ba?? Yan ang totoong lawlaw!!!