jobit


for ollyver
October 27, 2008, 2:19 am
Filed under: self-talk, subject | Tags: ,

This blog post is dedicated to Ollyver. Siya yung classmate ko sa Trigonometry nung First year ko sa college. Architecture rin sya tulad ko. Pero ahead siya ng isang taon sa akin. Magaling sya ah,, at okey din. Hmmmm….,, anu pa ba ang masasabi ko sa taong to??

Ayy…!!!,, nga pala,, ito yung picture nya.

Ollyver - di ko naman alam ang last name nito - heheheh!!!

Ollyver - di ko naman alam ang last name nito - heheheh!!!

Sencya na Ollyver ha,, ni-grab ko yung piktyur mo ng walang paalam. Thank you nga din pala sa comment mo. At dahil magaling kang magdrawing,,, itong para sayo!!! Hehehe!!!

Sana magustuhan mo,, heheheh!!! Peace!!!

Sana magustuhan mo,, heheheh!!! Peace!!!

Advertisements


hay… boring
October 25, 2008, 5:56 am
Filed under: self-talk | Tags:

Nakakatamad naman ang araw na ito para sa akin. It’s Saturday at wala man lang mapaglibangan sa trabaho. Wala masyadong ginagawa. Nakakaburyong talaga. Di ako sanay ng ganito,, ang gusto ko,, yung palaging busy,, yung arya ng arya sa trabaho. Pero ngayung araw na to,, naku,, pikit pikit lang ang mata ko sa harapang ng computer. Tapos ang lamig pa sa office,, ang sarap matulog at magmukmuk sa kuwarto pag ganitong mga temperature.

Parang ganito ako,,oh!

Parang ganito ako,,oh!

Nakakabagot talaga. Sana may mapagkaabalahan man lang ako. Kahit anu na lang,,basta lang may magawa at di ako antukin.



i confess
October 24, 2008, 1:32 am
Filed under: funny issue, self-talk | Tags: ,

Sa dinami dami ng mga nababalitaang bad news na balita ngayun,, nakow,, wala akong pakialam. Bakit?? Pag-iisipin ko ba naman ang utak ko sa mga ganung bagay?? Hmmm… Hindi noh!!! Anu sila siniswerte?? Parang lotto??

Yung election sa tate ngayun,, yung sa middle east,, sa Pilipinas,, sa gas,, sa pamasahe,, sa pagkain,, sa gamot,, sa pag-aaral,, sa sahod,, hay!!!. Oh,, sige nga,, isipin mo yan ng sabay sabay,, as in all in one package in your mind ha,, tingnan lang natin kung hindi ka ideretso ng Mandaluyong,, wahahahaha!!! Ang hirap kasing isipin eh.

Kaya ako,, di ko na iniintindi yung mga ganyang bagay. Hindi naman sa wala akong pakialam ano,, syempre meron din. Tulad na lang sa movie ng Harry Potter,, na i-pi-premiere ngayun November,, hehehe!!! may pakialam ako dun. Walang pakialamanan!!! Kanya-kanyang kagustuhan yan.

Harry Potter Addict - isa ako dun

Harry Potter Addict - isa ako dun

Heheheh!!! Eh sa ganun ako eh. Actually lahat ng sequel ng Harry Potter apanood ko na. Pero di ako nangongolekta ng libro nito ha. Ang maaaahhhaalll eh. Sayang yung P800 bawat isang libro,, samantalang yung DVD ng bawat pelikula eh P50 lang,, all in na sa isang DVD lang. Ooooppsss,,, panu nangyari yun?? Pirated kasi eh. Heheheh!!! Eh sa yun lang ang afford ko eh. Bakit ba.



wag matakot
October 22, 2008, 2:12 am
Filed under: scandalous | Tags: ,

Naiinis ako ngayung araw na to. Nakow!!,, kasi ganito ang nangyari,, bumibili ako ng tinapay,, syempre almusal,, alam nyo na kung anung tinapay yun,, french bread. Ang ganda pa naman ang approach ko dun sa tindera ng cheap na nagmamagandang bakeshop na yun.

    “Miss,, 20 pieces na pandesal po.”

Akala ko narinig na nya kasi nasa harapan lang naman sya ng bakery. May dumating na isang costumer,, at yun muna ang inintindi nya. Tapos tumingin sya sa akin. Maya maya,, dumating yung parang boss nila. Maayos manamit at diretso lang sa loob ng booth nila. 10 minutes na akong naghihintay at wala pang umaasikaso sa akin. Sige,, pasensya lang ako. Nagsalita ulit ako.

     “Miss,, pandesal nga po,, 20 pieces!”

Medyo napalakas ata yung boses ko at napalingon bigla yung boss nila na ewan. Nakow!!,, at sabi ba naman dun sa tindera nya na,, “Di mo ba nakikita yan?? Ba’t ayaw mong tindahan yan,, mukhang nagmamadali eh!”. Whatdfukss!!! Nag-init agad ang ulo ko at di na nakayanan nung bumbunan ko kaya’t bigla na lang sumabog,, eto ang naging conversation namin.

     Jobit: Sir kanina pa akong 6:30 dito. Nung dumating ka andito pa ako at di pa nakaka-alis.

     Boss: Eh kasalanan ko bang anjan ka pa rin hanggang ngayun?? Siguro di ka nagsasalita kaya’t di ka naririnig ng mga tindera ko. At akala mo kung sino kang makasigaw. Bibili ka lang naman eh, ganyan ka pa magsalita.

     Jobit: Excuse me, Sir! Ewan ko kung bingi yung tindera mo o nabibingi-bingihan lang. Kasi naman,, wag kang kukuha ng tindera na tanga.

     Boss: Maghinay hinay ka sa pagsasalita mo ah.

     Jobit: Nakow! Tanungin mo sa kanya (tindera) kung anung oras pa ako nandito at hanggang ngayun eh nandito pa rin ako.

     Boss: (Tinanung ang tindera) Anung oras pa sya nandito??

     Tindera: Po??? Ha???

     Jobit: Oh,, kita mo na!!?? Wag kang kukuha ng binging tindera! Nakow!! Kayo lang ang tindahan na ganito! Yung ibang bakery jan,, kahit na maliit lang,, basta may nakitang bibili eh,, lalapit agad sa customer. Ngayun alam mo na?? Tsaka di ako Sumisigaw kanina noh,, napalakas lang boses ko. At talagang nagmamadali ako!

     Boss: Eh,, kung ayaw mo ng binging tindera, wag ka ditong bumili!

     Jobit: Sa inyo na lang yung mga tinapay nyo!! Isaksak mo rin yan sa mga tenga nyo!! Pare -pareho kayung mga  incompetent!! Pwe!!! Leche!!!

     Boss: Anung sabi mo??!!

     Jobit: Bingi!!! Leche!!!! (sabay lipat sa ibang bakery)



can’t go anywhere
October 20, 2008, 2:17 am
Filed under: self-talk | Tags:

Nasubukan mo na ba,, na mapasabak sa isang giyera sitwasyon na wala ka ng mapupuntahan,, or I mean to say na wala ka ng matatakbuhan na kapamilya,, kakilala o kaibigan?

It was June of 2006, may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. I was a badminton player of our school at that time. Subsub sa kakapractice everyday,, kahit na tanghaling tapat,, kasi our court was open at the sun. Sa paglalaro kong yun,, minsan di na ako nakakakain,, at kung minsan naman kahit na kakatapos lang kumain,, maglalaro kaagad ako,, dun nagsimulang sumakit ang ibabang bahagi ng aking sikmura,, to the appendix area. Di ko pinapansin muna yun,, akala ko ulcer lang or simpleng sakit lang ang nararamdaman kong yun.

Then came,, month of May of this year,, naramdaman ko na naman ang sakit na yun,, mas masakit,, mas malala,, mas makirot at tumatagos sa boung katawan ko,, nakakapanghina. So I rush to the hospital all by my self,, ayun sa findings,, kailangan kong macomfine kasi kailangan kong maoperahan sa appendix kasi namamaga daw. As urgent as possible. Natulala ako,, saan ako kukuha ng pambayad sa hospital bills?? Umalis ako sa hospital at di ako pumayag na ma-admit. Patay kung patay,, yan ang motto ko nun. Ginawa ko ang lahat para makahanap ng pera,, nag-cash advance ako,, kulang pa rin. Humiram ako ng pera sa mga kaibigan ko,, walang silang mapahiram because they are studying. Hay,, wala na akong maisip na matakbuhan nun,, kay gloria ba o kay erap?? Basta sa Kanya na lang ako lumalapit nun.

All of the sudden,,,may nag-text sa akin,, isang bagong number. Binura ko ang message nya,, nangungumusta,, pero di naman nya sinabi ang pangalan nya. Again nag-text na naman,, so tinawagan ko,, pinsan ko pala. So kinausap ko,, at sa kanya na lang ako humingi ng favor,, yun,, nagawa naman nya yung favor ko,, nasa Pampanga sya at that time,, ako naman,, nasa Manila,, pinuntahan ko sya dun at kinausap. Sinabi ko sa kanya ang problema ko,, nakinig naman sya,, at nakiramdam. Umiiyak sya kasi sinasarili ko daw ang problema ko. The truth is,, kahit na mga magulang at kapatid ko,, hindi ko pinaalam sa kanila ang sitwasyon ko. Kung iisipin,, mali yun,, kaya lang ayaw ko silang madamay sa problema ko. Mali ako dun. Natapos na lang ang pag-uusap namin ng pinsan kong yun,, at lumuwag ang pakiramdam ko.

May 7,, naoperahan ako,, sa tulong ng pinsan kong yun. Nagkaroon ako ng pag-asa at bagong outlook sa buhay.

Hanggang ngayun,, tinatanaw kong utang na loob sa pinsan ko ang aking buhay. Dahil dumating sya nung mga time na wala na talaga akong mapupuntahan. At tatanawin ko yun hanggang sa kabilang buhay.



sequence stories
October 18, 2008, 5:07 am
Filed under: funny issue | Tags:
Fox & Sheep

Fox & Sheep

Dog & Dinosaur Relics
Dog & Dinosaur Relics
Lion & a Puppy

Lion & a Puppy

Pigeon Wedding

Pigeon Wedding

Pirannha

Pirannha



grade 1
October 18, 2008, 2:15 am
Filed under: funny issue, scandalous, self-talk | Tags: , ,

As I remember,, nung bata pa ako (hanggang ngayun pa naman eh),, active na active ako nun sa school,, kailanagan eh,, kasi kung hindi ako nakapag uwi ng quiz paper na walang star,, ang ulam ko,, gulay! Sino ba naman ang may gusto ng puro gulay na lang ang ulam noh?? At take note, wala pa akong baon,, sows!! Masyadong strict ang parents ko pagdating sa pag-aaral nun,, kaya eto ako ngayun,, pablog-blog na lang. Hehehe!!!

Aktwali,, marami naman akong awards na nakukuha nun eh,, ikaw ba naman ang active na active,, oh sa magandang salita ay,, atat na atat na makakuha ng STAR eh,, syempre,, pinadudugo ko ang boung utak ko at pinapuputok ko ang lahat ng ugat ko mula ulo hanggang paa para lang hindi makakuha ng MOON este zero pala. Sampol nga mga awads ko..

Most Punctual

Most Punctual

Most Active

Most Active

Most Concern Student

Most Concern Student

Oh di ba?? sino ba naman ang hindi magkakarun ng award nyan?? Wow!!!!