jobit


ang galing ah!!
September 30, 2008, 6:21 am
Filed under: Uncategorized

Nung bata ako,, palagi kaming pumupunta ng canivals,, perya at kung anu anu pang mga amusement parks,, pero ewan ko kung bakit di ko pa napupuntahan ang Enchanted Kingdom hanggang ngayun,, hehehe!!!

Yung mga kapatid ko,, sila ang mahilig sa mga rides,, ako ang hilig ko,, mga pagkain,, hehehe!!! syempre,, para busog ang mata,, busog din ang mga alaga ang tyan,, di ba??

Isa mga kinahiligan kong panoorin sa carnival eh,, yung mga magic tricks,, napapa-ooooohhh…. at napapa-aaaaaahhhh…. na lang ako kapag nakakakita ako ng mga nagma-magic. sino ba naman ang di maa-amaze di ba??

Ikaw,, hindi??

Kung ganun,, watch this…

Ang galing nya noh??…. Napa-aaaaahhh ka rin ba??



paghahanda sa undas- simulan ang katatakutan
September 30, 2008, 3:38 am
Filed under: Uncategorized

Alam naman natin na likas sa ating mga Pilipino,, lalo na sa mga taga probinsya at iba pang mga liblib na lugar,, ang maniwala sa mga di-pangkaraniwang nilalang. Naalala ko tuloy noong bata pa ako,, kahit na tanghaling tapat,, kapag ayaw naming matulog,, sows… sasabihin na lang ng mahal kong mother na baka kunin ako ng multo,, ehem,, napapaisip na lang ako,, kahit ba tanghaling tapat eh,, may gumagala pang multo??,, eh sa kakulitan kong yun,, sa kadaldalan kong yun,, ayun,, eh di may palo na naman ako,, hehehe!!..

Well,, ito na,, may nanakaw nakolekta akong mga pinaniniwalaang mga di=pangkaraniwang nilalang.

tikbalang

tikbalang

 

Isa na rito ang tikbalang, isang nilikhang may katawang tulad ng tao pero may mukha na tulad ng kabayo. Sinasabi rin na tuwing kabilugan ng buwan ay lumalabas ang tikbalang at iba pang maligno. Kaya naman, bawal na bawal noon sa mga bata ang lumabas ng bahay kung gabi kahit maliwanag at marikit ang buwan. Ipinantatakot ng mga nanay ang mga maligno para mapigil ang mga bata sa paglalaro sa labas ng bahay.

 

 

white lady

white lady

 

Ang white lady sa atin,, di na bago ito,, kahit saan namang panig ng mundo eh,, may white lady. Sa Pilipinas,, ang pinakapapular na kuwento at pagpapakita ng white lady ay sa Balete Drive sa Quezon City.

(Hmmm.. I haven’t seen one.)

 

 

 

 

 

 

 

 

aswang

aswang

 

Ewan ko,, wala akong kuwento sa isang to,, Aswang… pero infairness.. sexy sya. Hehehehe!!!

Kaya lang sino ba naman ang may gusto,, kahit na maganda at sexy yung nasa harapan mo kung wawarakin naman ang dibdib mo,, akala mo eh roromansahin ka,, tatanggalan ka na pala ng puso. Nyay..!!!



paghahanda sa undas…
September 30, 2008, 2:43 am
Filed under: Uncategorized
kandila

kandila

 

Malapit na naman ang UNDAS… ang iba saatin ay uuwi ng probinsya,, pero marami sa atin,, pupunta ng sementeryo,, sure ako dun.

Nung nakaraang taon,, nasa Manila North Cemetery kami ng mga kapatid ko,, mga tita ko,, at ibang mga pinsan,, naalala ko nun,, kaming dalawa ng kapatid ko ang una sa puntod ng lola ko,, taena,, nilalamok na kaming dalawa dun sa sementeryo eh,, wala pa ang mga VIP,, panu,, di pa sila dumadating. Ang tagal…!!!

Isa-suggest ko sana dun sa kapatid ko na,, maglaro muna kami ng taguan… hehehe!!! Kaso matatakutin din yung kapatid ko eh,, kaya dun na lang kami sa ibabaw ng puntod ng lola ko,,

Haaayy,, buti na lang ang daming mapagbibihlang chibogs nung time na yun,, kaya kain na lang kami ng kapatid ko habang naghihintay sa mga VIP,,

Nayung UNDAS kaya,, anu na naman ang magandang gimik na gawin?? Suggest kayo ha..