jobit


wag matakot
October 22, 2008, 2:12 am
Filed under: scandalous | Tags: ,

Naiinis ako ngayung araw na to. Nakow!!,, kasi ganito ang nangyari,, bumibili ako ng tinapay,, syempre almusal,, alam nyo na kung anung tinapay yun,, french bread. Ang ganda pa naman ang approach ko dun sa tindera ng cheap na nagmamagandang bakeshop na yun.

    “Miss,, 20 pieces na pandesal po.”

Akala ko narinig na nya kasi nasa harapan lang naman sya ng bakery. May dumating na isang costumer,, at yun muna ang inintindi nya. Tapos tumingin sya sa akin. Maya maya,, dumating yung parang boss nila. Maayos manamit at diretso lang sa loob ng booth nila. 10 minutes na akong naghihintay at wala pang umaasikaso sa akin. Sige,, pasensya lang ako. Nagsalita ulit ako.

     “Miss,, pandesal nga po,, 20 pieces!”

Medyo napalakas ata yung boses ko at napalingon bigla yung boss nila na ewan. Nakow!!,, at sabi ba naman dun sa tindera nya na,, “Di mo ba nakikita yan?? Ba’t ayaw mong tindahan yan,, mukhang nagmamadali eh!”. Whatdfukss!!! Nag-init agad ang ulo ko at di na nakayanan nung bumbunan ko kaya’t bigla na lang sumabog,, eto ang naging conversation namin.

     Jobit: Sir kanina pa akong 6:30 dito. Nung dumating ka andito pa ako at di pa nakaka-alis.

     Boss: Eh kasalanan ko bang anjan ka pa rin hanggang ngayun?? Siguro di ka nagsasalita kaya’t di ka naririnig ng mga tindera ko. At akala mo kung sino kang makasigaw. Bibili ka lang naman eh, ganyan ka pa magsalita.

     Jobit: Excuse me, Sir! Ewan ko kung bingi yung tindera mo o nabibingi-bingihan lang. Kasi naman,, wag kang kukuha ng tindera na tanga.

     Boss: Maghinay hinay ka sa pagsasalita mo ah.

     Jobit: Nakow! Tanungin mo sa kanya (tindera) kung anung oras pa ako nandito at hanggang ngayun eh nandito pa rin ako.

     Boss: (Tinanung ang tindera) Anung oras pa sya nandito??

     Tindera: Po??? Ha???

     Jobit: Oh,, kita mo na!!?? Wag kang kukuha ng binging tindera! Nakow!! Kayo lang ang tindahan na ganito! Yung ibang bakery jan,, kahit na maliit lang,, basta may nakitang bibili eh,, lalapit agad sa customer. Ngayun alam mo na?? Tsaka di ako Sumisigaw kanina noh,, napalakas lang boses ko. At talagang nagmamadali ako!

     Boss: Eh,, kung ayaw mo ng binging tindera, wag ka ditong bumili!

     Jobit: Sa inyo na lang yung mga tinapay nyo!! Isaksak mo rin yan sa mga tenga nyo!! Pare -pareho kayung mga  incompetent!! Pwe!!! Leche!!!

     Boss: Anung sabi mo??!!

     Jobit: Bingi!!! Leche!!!! (sabay lipat sa ibang bakery)

Advertisements

1 Comment so far
Leave a comment

Wahh! Astig to! Sarap patayin!

Comment by Miles Blue Sy




Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: